Tuesday, October 21, 2014

In My Comfort Zone

So, ang tagal ko nang hindi nagpo-post. Nakakapagod rin minsan magkwento ng hindi totoo. Nakaka-burn out promise. Ginagawa ko na ngayon ang third sequel ko kaya nakikipaghabulan taya na naman ako sa writer's block.


Last night, kachat ko yung editor ko. Ayun, kinukulit ko na naman sa omniscient subjective POV, wala ng katapusan ulit-ulit na lang yung tanong ko sa kanya! Grabe, nakakaasar na ko. Kung ako sa editor ko, hindi ko papansinin ang mga tanong nang isang makulit, aligaga at baguhang writer.



Honestly, I thought omniscient was my comfort zone. Dati kasi sulat lang ako ng sulat until I learned about the rules.



Ayun. Nagulo ang buhay ko.



Since wala na kong facebook, ang gamit ko pangchat eh yung FB ni Baba Bo. Well, dahil mga isang oras bago sya magreply, pinilit kong magsulat ulit.



Sayang. Kukulitin ko pa naman sana kung kailan iri-release ang libro ko.


Tapos napunta ko sa isang blogsite, reviewhavens.blogspot.com na nagre-review sa mga PHR/MSV pocketbooks. Ayun. Magagaling silang tao. Mahahalata mo talaga na mga batikang editor sila. May mga "K" maging critic. Kung gusto mo ng isang makatotohanang review, sa kanila ka magrequest.



Tapos ihanda mo ang sarili mo. Kumalma ka. They don't sugar coat. Saktong-sakto. Totoo lang talaga.



Kaya nabuo na ang desisyon ko. Hindi ko na kukulitin ang editor ko kung kailan ba lalabas ang book ko. Hehehe... 



Anyways, inabot ako ng 5AM kababasa lang ng mga review nila. Nakalimutan ko day off nga pala si Teteh (yaya ni Margaux) the next day. Kawawa si Baba Bo.



Hapon na the next day eh wala parin akong silbi. Para kong zombie, ayaw magfunction talaga.



Tapos nagpunta ko ng Wattpad, binasa ko yung Miusings and Umprintables ni "the legend" lola C a.k.a Camilla! Haaaayyy.. nainspire tuloy akong magdiary na parang ganto.



Lunch time. Si Baba Bo ang nagluto. Yung corn na may flower ng kalabasa tapos may pork? Hindi ko gusto yung corn, may issue ako sa mais, oh please! Pero gusto ko yung ulam na yun kasi magaling magluto si Tita Lyn (mame ko).



So excited much ako nung lunch. Nung tinikman ko, anak ng!



Parang lasang bicol express, kulang na lang eh gata!



Ayun. Nilagyan pala ng imbentor ng luya!



Hindi na ko nakakain ng maayos. 



"Bakit may luya?" tanong ko na para bang gumawa sya ng isang kahindik-hindik na krimen.



Suam na mais, tapos may luya? Asan naman ang hustisya do'n?



"Nilalagyan ba yan ng luya?" para parin niyang nalabag ang human rights by the way I sounded.



Na-offend ako!



Pinaasa ko.



"Natikman mo na si mame magluto nito?" para na syang kinder na nahuling nangopya ng teacher. 



"Oo." sagot nya, hindi nya ko tinitingnan.



"Ang sarap ng luto ni mame nito, eh!" may bigat do'n sa bagsak ko ng bawat salita.



Buti na lang, napupupu na si Margaux, so tumayo na ko. Tinulungan ko syang umire.


"1, 2, 3,


Puuuuush!"




Hindi rin lumabas pupu nya kahit ano pang emote ko.



Naisip ko na lang na okay na rin ang suam na may luya na yan sa diet ko. 



5pm nung dumating si Teteh, pinagtutulakan ko syang kumain na. Parang nasense nya na may masama akong balak, busog pa daw sya.



Muntik na kong tumambling nung kinuwento nya sa akin yung jeep adventure nya for the day. From San Jose Del Monte, sa Malolos pa sya pumunta kaya long drive talaga. Sa mga mahahabang express na jeepney sya sumasakay.



Maganda daw yung jeep na nasakyan nya. Makabida naman ang luka-luka!



May tv daw kasi, tapos horror ang palabas.



"Annabelle?" bigla ako naexcite. Gusto ko kasi yun panoorin kasi maganda daw sabi ni Plainvanillagirl sa Wattpad. Napanood namin ni Bo yung The Conjuring 1 and 2.



"Hindi. Ano ba yung Annabelle?" clueless sya. "Yun ba yung patatas?"



Natigilan ako. Naweirduhan ako kay Teteh. Ano naman kayang patatas yung sinasabi nito?



"Anong patatas?" nahihiwagaang tanong ko sa kanya. "Movie yung Annabelle. English movie."



"Ewan ko ba, uso kasi yun sa facebook ngayon, eh. Si Annabelle ba yung patatas?" konti na lang ta-tumbling na ko dito. 




"Expression lang yung patatas. Parang dati, patola naman. Sa susunod baka talong na." hindi ko alam kung bakit ine-explain ko sa kanya na parang big deal ang bagay na ito.



'Sa susunod, sana papaya naman. Para mauso ka!' gusto ko pa sana sabihin kaso iniwan na nya ko sa terrace. Si Teteh kasi eh gifted na bata. Nakakalunod.



Lakas tuloy makaselos.




"Babe, okay ba sa'yo yung fish fillet ko?" si Bo. Katatapos lang namin kainin yung uwi ni Teteh. Ganito talaga yung batang 'toh, laging may uwi sa amin kapag naglalakwatsa.



"Okay yung fish fillet mo." sabi ko.



Parang hindi naman sya satisfied sa comment ko.



Challenge ito sa akin. Feel na feel ko ang pagiging writer kaya ginamitan ko sya ng pamatay na description sa fish fillet nya. parang nobela lang.



"Parang ganito..." eto na naman ako, pakiramdam ko ang galing ko, eh. 


"Kapag may dumalaw sa atin na mahalaga sa akin, fish fillet ang ipapaluto ko sa'yo. Kapag may dumalaw sa akin na hindi ko masyadong gusto pero gusto ko magpa-impress, fish fillet parin ang ipapaluto ko sa'yo. Pero kapag ang dumalaw sa akin ay bisitang ayaw na ayaw ko," binitin ko talaga. Wala, eh... Writer, eh. "Yung niluto mo ngayon ang ihahain ko sa kanila para wag na silang bumalik kahit kailan!"



Yun. Walk out sya.




Nagtaka ko. May mali ba sa sinabi ko? Puring-puri nga ang fish fillet, eh!



"Bo..." habol naman ako. I have to admit, suam na mais lang ang hindi masarap kay Baba Bo. 


"Uy, Bo!" Kailangan ko pa ang katawan nya para mainspire ako sa bed scene ni Dave at Charlie (character ng sinusulat ko ngayon).




"Bo... sorry naman na!" habol kawawa parin ako.


Inisnab nya ko sabay sabi, "Uwi ka sa Malolos, paluto ka sa mommy mo."






No comments:

Post a Comment